TALAMBUHAY KO
Ako si Marc Dariel M. Domingo. Ang aking ina ang nagpangalan sakin noong ako ay isinilang. Wala akong idea kung bakit ito ang napili nilang pangalan para sakin. Hindi ko rin kasi sila natanong kung bakit. Okay naman ako sa naging pangalan nila sakin kaya hindi ko narin siguro sila natanong. Ang naging nickname ko naman ay Mac from Marc. Mula bata ako ito na ang naging nickname ko sa bahay. Nung nag highschool ako ay Dada ang naging tawag sakin ng mga naging tropa o kaibigan ko. Masyado kasing common ung Marc at Dariel. Lumaki ako sa Los Banos, Laguna ng may patnubay ng aking mga magulang kaya naman ako ay natuto rin makipag salamuha sa ibat ibang uri ng tao at magkaron ng maraming kaibigan. Hindi naging madali ang aking teenager days dahil nagkaron ng problema ang aking magulang. Malaking dagok ang nangyario samin pero hindi naman naging hadlang yon upang magpatuloy ako sa buhay at tapusin ang aking pag aaral. Pinagdasal ko rin na sana ay matapos na ang pagsubok na iyon at eto kami ngayon. Maayos at isang masayang pamilya na.
Nung ako ay tumuntong ng kolehiyo ako ay nahilig sa pagsasayaw. Ipinakilala ako ng isa kong kaibigan sa mga mananayaw sa pinasukan kong kolehiyo noon. Doon nagsimula ang aking college life. Naging masaya ako sa pagsasayaw at naging malapit narin sakin agn aking mga grupo na parang mga kapatid ko na rin. Madalas kaming magkakasama sa tambayan namin kapag walang klase kung saan mas nabubuo ang aming samahan. Kwentuhan, harutan, asaran at kung ano ano pa. Maging sa oras rin ng aming training ay mas nagiging masaya kami lalo kapag kumpleto ang barkada. Madalas rin ay nagkakasama kami sa mga inuman.
Ang libangan ko naman ngayon ay manood ng movies habang nasa bahay lang. Magluto ng kung ano ano. Madalas kasi ako ang nagluluto sa bahay namin at ako rin ang namamalengke. Simula kasi nung nag ibang bansa ang aking tatay ay wala ng ibang pwedeng magluto kundi ako kaya sa paglipas ng panahon ay onting onti ko narin natutunan magluto ng masasarap na pagkain. Bukod sa panonood ng movies at pagluluto ako ay nahilig rin uminom ng alak kasama ang aking mga brods sa Fraternity. Bukod naman kasi sa tama ng alak nahanap rin ng katawan ko ay yung magandang kwentuhan at bonding rin kasama sila ang hanap ko. Bagong experience at bagong mga pwedeng makilalang tao. Para sakin kasi hindi lang naman tungkol sa pag lalasing ang paginom ng alak kundi pakikisama at may bago kang matututunan.
Ang pinakanakakahiyang nangyari sakin ay noong highschool noong sinuntok ko ang aking kaklase at sya ay nagsumbong kay Sir Patalen. Klase namin sa P.E. noon at dumating si Sir Patalen upang kausapin ako tungkol sa sumbong sakanya. Pinagsorry niya ako sa kaklase ko ngunit iyon ay may kalakip na parusa. Pinag-lead ako ng Karate ni Sir Patalen sa court kasama ang aking mga kaklase. Maraming nanonood samin noon pero dinaan nalang namin sa tawa ang mga pangyayari.
Ang plano ko sa hinaharap ay magkaroon ng maayos at established na trabaho para makaipon ng malaking pera para makapagpatayo ng isang negosyo at paupahan naman para saking mga magulang. Para hindi na nila kailangan pang magtrabaho o kumilos masyado para kumita ng pera.
Comments
Post a Comment